Basic Concept of Forex Business

Ang mga pag-uusapan natin dito ay kung paano ginagawa ang negosyo ng Forex, at dahil isa itong negosyo, kahit sino na may kakayahan na magBusiness ay pwedeng mag Forex


So How FOREX works?

Ang Forex business ay ang malawakang palitan ng pera sa buong mundo.
Ang salitang FOREX ay nanggaling sa salitang Foreign Exchange

isang Halimbawa nito ay ang pagpunta natin sa Money Changer kung saan doon tayo nagpapapalit ng US Dollar, Canadian Dollar, Saudi Riyal, British pound at iba pa.

So ang ibig sabihin nyan, di mo lang namamalayan na ikaw pala ay may contribution sa Foreign Exchange Market.
Ang Foreign Exchange Market ay nabuo dahil ang bawat bansa ay may sariling Pera.

Halimbawa tayo dito sa Pilipinas, ang pera natin ay Peso. Kung tayo ay pupunta sa Hong Kong para mag Shopping, kailangan natin magpapalit ng Hong Kong dollar dahil ang pera nila ang gagamitin natin para makapamili doon sa kanila.

Sa panahon natin ngayon, maraming mga OFW na nagtatrabaho sa ibang Bansa, dito sa Pilipinas naman ay labas pasok ang mga Turista. Kung kaya mapapansin natin na kahit sa mga Malls ay may Money Changer na rin. isa itong patunay na maganda at matatag ang Forex Business.

if you have experienced going to a money changer
You might have seen this electronic board
dito naka Post ang Current Buying Price at Current Selling Price ng Currency na iyong papalitan.
So bakit may Buying at Selling Price?
Kung ikaw ay galing sa ibang bansa, halimbawa sa Amerika, ang bitbit mo ay US Dollar. So kailangan mo itong palitan ng PESO
Kung kaya Buying Price ng Dollar ang titingnan mo
Kung ikaw naman ay pupunta sa Amerika, kailangan mo ng US Dollar
So ang titingnan mo ay ang Selling Price

Kung napapansin po ninyo, magkaiba ang Buying at Selling Price na nasa Electronic Board

Sa sample natin dito
Buying Price is 42.1000
Selling Price naman ay 42.8500

Price difference 0.75 or 75 centavos

At yan ang masasabi nating Profit ng Money Changer

Yan ang kinikita nila sa bawat US Dollar na pinalitan ng Philippine Peso
Maliit lang diba?

Pero kung 1 Million US Dollar ang pag-usapan natin, Ang equivalent nyan ay 750,000 pesos
Sa tingin ninyo, OK ba ang Money Changer business?
Mabubuhay ba sila sa maliit na tubo ng Pera?

At yan ang concept ng Forex Trading Business. Kikita ka ng kaunti sa pamamagitan ng Buying at Selling ng Currency gamit ang Forex Trading Platform.




2 Comments

  1. eToro is the best forex trading platform for newbie and established traders.

    ReplyDelete
  2. where can i attend a live seminar?

    ReplyDelete